SULATIN #2
Paglalakbay ng isang Libong Pangarap
May isang dalaga na nagmula sa Cainta Rizal siya ay pinanganak nung Agosto 27, 2007 sa Antipolo Medical Hospital. Siya ay isang mabuting mag-aaral ng Sta. Lucia HIgh Sc hool at palagi siyang masipag pagdating sakanyang pag-aaral. Simula bata palang ay gusto niya na maging Nurse upang makatulong sa kanyang pamilya. Palagi niya ninanais na makapagtapos siya ng pag-aaral upang matupad ang mga pangarap niya sa buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa upang hindi ipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan para sa kanyang mga pangarap. Si Sarah ay isang mag-aaral na naghahangad pa na lumabas sa kanyang “Comfort Zone” dahil siya ay mahiyain simula palang sakanyang pagkabata. Masipag na mag-aaral si Sarah ng SLHS at lagi siyang aktibo sa mga gawain sa kanyang paaralan. Hindi niya pinapalampas ang mga aktbidad na maari niyang salihan dahil masaya siya na ginagawa niya ito. Nag-aaral siya upang siya ang magtaguyod sakanyang pamilya balang araw at mataas ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya.
Mahilig si Sarah sa pagpunta sa mga karagatan dahil lagi niya nakikita na may kapayapaan sa bawat agos ng tubig. Hindi lamang sa karagatan at sa iba’t ibang uri pa na maari niyang puntahan na kasama ang kanyang Pamilya. Mahilig si Sarah sa mga musika na tinutugtog ng kanyang kasintahan at mga musika ng mga paborito niyang banda katulad na lamang ng Cup of Joe, LANY, at Eraserheads. Si Sarah ay naghahangad bilang isang modelo para maging Part Time Job dahil nga siya ay mahiyain ginagawa niya ang lahat upang palakasin ang kanyang kumpiyansa. Lagi pinangarap ni Sarah maging Nurs at makapunta sa ibang bansa upang doon manirahan. Ginusto ni Sarah sa ibang bansa manirahan at isama ang kanyang pamilya dahil mababa lamanng ang pasahod ng kanyang bansa sa mga Nurs na katulad niya. Nais ni Sarah na maging Midwife dahil mahilig ito sa bata at alam niya na magiging matagumpay siya sa larangan na ito. Maraming pangarap si Sarah sakanyang buhay kaya siya ay nagsisipag mag-aral upang makapagtapos at maging masaya ang kanyang mga magulang. Malakas din ang pananalig ni Sarah sa Diyos dahil alam niya na gagabayan siya nito sa ano mang tahakin niya sa buhay. Madami man ang pinagdadaanan ni Sarah sa buhay ay kinakaya niya padin at patuloy pa din ang laban sa bawat pagsubok.
Sa konklusyon ang dami pang maaring mangyari sa talumbuhay ni Sarah at marami pa siyang magagawa upang ipagpatuloy ang kanyang storya. Ninanais lagi ni Sarah na lumigaya at maranasan ang mga hamon sa buhay na hindi niya ito sinusukuan. Dahil gagawin niya lahat upang matupad ang kanyang mga pangarap. Sinisipagan pa lalo ni Sarah na madami siyang matutunan sa buhay na maari niya pa pagbutihin bilang isang nagdadalaga. Nanalig siya sa Diyos na kakayanin niya para lahat sa kanyang pangarap bilang Nurs at Modelo ng kanyang pamilya. Kung ano man mangyari sa talambuhay ni Sarah ay patuloy pa din ito at hindi hadlang ang ano man pagsubok sa buhay. Hiraya Manawari ang paboritong kataga ni Sarah na nangangahulugan na “sana mangyari” o sa ingles “hope it happens” na naniniwala si Sarah na mangyayari ang imposible.